Laguna, Cavite, Rizal at Bulacan nahawa sa Metro Manila, balik-GCQ
Simula bukas, Marso 22, babalik sa general community quarantine (GCQ) ang apat na katabing lalawigan ng Metro Manila dahil sa pagdami ng husto ng mga tinatamaan ng COVID 19.
Ito ang nakapaloob sa resolusyon ng Inter Agency Task Force na inaprubahan ni Pangulong Duterte at epektibo ito hanggang sa darating na Abril 4.
Agad naman nilinaw ni Presidential spokesman Harry Roque na hindi ‘lockdown’ ang mangyayari kundi ‘bubble,’ na paraan para malimita ang galaw ng mga tao sa iisang lugar lang.
Maliban sa mga authorized persons outside residence o APOR at talagang mahahalagang lakad wala ng iba na maaring bumiyahe sa mga nabanggit na lalawigan, kasama na ang Metro Manila.
Hindi naman magsasara ang mga kainan, ngunit tanging outside dining, take-out at deliveries lang ang maari nilang ialok sa kanilang mga kustomer.
Mananatili naman ang umiiral na limitasyon sa mga pampublikong sasakyan.
Gayundin, iiral ang alas-10 ng gabi hanggang ala-5 ng umaga na curfew sa mga nabanggit na lalawigan at ito ay itinulad na sa uniform curfew sa Metro Manila.
Hinihikayat ng gobyerno ang mga pribadong kompaniya na mag-alok ng alternative work arrangement sa kanilang mga empleado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.