Online workshop para maipagtanggol ng mga babae ang kanilang sarili, isasagawa

By Erwin Aguilon March 21, 2021 - 08:41 AM

Kuha ni Richard Garcia

Isang online self-defense workshop para sa mga kababaihan ang inorganisa ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong.

Ayon kay Ong, ang programa ay bilang bahagi ng pagkilala sa mga babae ngayong “Buwan ng mga Kababaihan.”

Sabi ni Ong na isang aktibong Krav Maga practicioner, ” We want to be one with all women in celebrating  Women’s Months this year by empowering them to protect themselves and others using the art of Krav Maga.

Kailangan ayon sa mambabatas na maging handa rin ang mga kababaihan na ipagtanggol ang kanilang mga sarili.

“We know more and more women need this each day, and we want to empower them to defend themselves, even in something as simple as walking alone at night. We want them to ‘fight like a girl’, and that is to fight powerfully, strongly, and  succesfully,” dagdag ni Ong.

Mahigit isang daang mga babae anya mula sa iba’t-ibang panig ng bansa gayundin mga Overseas Filipino Workers sa Hongkong ang dadalo sa “Online Krav Maga” na pangungunahan ni International Krav Maga Federation Philippines  Chief Instructor at Country Director Dindo de Jesus at Krav Maga expert Jessica de Jesus.

Ang Krav Maga ay isang practical at tactical system na nilikha sa Israel upang panlaban sa mga pag-atake ng mga kalaban.

Mapapanood sa facebook ng kongresista ang workshop simula 1pm hanggang 3pm mamayang hapon.

TAGS: Ang Probinsyano partylist, Krav Maga, ofw, Rep. Ronnie Ong, women's month, Ang Probinsyano partylist, Krav Maga, ofw, Rep. Ronnie Ong, women's month

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.