Bicol, Calabarzon police pinareresbak sa NPA dahil sa pagpatay sa 5 pulis

By Jan Escosio March 20, 2021 - 06:03 PM

Nais ni PNP officer in charge, Lt. General Guillermo Eleazar na mabigyan agad ng hustisya ang pagkamatay ng limang pulis sa kamay ng mga miyembro ng New People’s Army sa Labo, Camarines Norte kagabi.

Diin ni Eleazar nakakagalit ng husto ang pananambang sa mga pulis dahil aniya ang mga ito ay inatasan lang na bantayan ang ginagawang Tagkawayan – Labo Road.

Kayat aniya nakipag-ugnayan na siya kay AFP Chief of Staff General Cirilito Sobejana at inatasan na niya sina Calabarzon police director, Brig. Gen. Felipe Natividad at Bicol police director, Brig. Gen. Bartolome Bustamante na buhusan ng puwersa ang pagtugis sa mga rebelde.

Sinabi nito tumanggi ang contractor ng proyekto na magbigay ng porsiyento sa halaga ng kontrata sa mga rebelde kayat napagdiskitahan ang mga pulis.

Base sa paunang ulat, pitong miyembro ng 2nd Provincial Mobile Force Company ang pinagbantay sa proyekto sa Barangay Dumagmang bunsod ng hirit ng NPA.

At habang nagpapatrulya ang mga pulis dakong alas-9:45 ay tinambangan na sila ng mga rebelde.

May dalawa pang pulis ang nasugatan sa pakikipaglaban sa mga rebelde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.