7,999 naidagdag sa COVID 19 cases sa bansa, bagong daily record-high

By Jan Escosio March 20, 2021 - 04:48 PM

Sa magkasunod na araw, nakapagtala ang DOH ng record-high na bilang ng mga nadadagdag na kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa update na inilabas ng kagawaran, 7,999 ang nadagdag kayat ang kabuuang bilang ay lumubo na sa 656,056.

Ngayon may 80,642 pa ang aktibong kaso sa naitalang kabuuang bilang.

Samantala, naging 562,484 na ang bilang ng mga nakarekober sa nakakamatay na sakit matapos makapagtala ng 597 na paggaling.

Nadagdagan naman ng 30 ang bilang ng namatay kayat ito ay nasa 12,390 sa kabuuan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.