Patuloy na naaapektuhan ng Easterlies ang buong bansa.
Ayon kay PAGASA weather specialist Joey Figuracion, bunsod ng Easterlies, asahan pa rin ang mainit at maalinsangang panahon, lalo na tuwing tanghali at hapon.
Posible pa rin naman aniyang makaranas ng mga pulo-pulong pag-ulan dulot ng thunderstorms.
Sa araw ng Sabado, magiging maaliwalas ang lagay ng panahon sa buong bansa.
May tsansa lamang aniya ng mga panandaliang pag-ulan bunsod ng thunderstorm lalo na sa hapon o gabi.
Wala namang natututukang sama ng panahon sa loob ng teritoryo ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.