Batanes, nakapagtala ng ika-apat na kaso ng COVID-19

By Angellic Jordan March 18, 2021 - 10:21 PM

May bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa Batanes.

Ayon sa Provincial Government ng Batanes, lumabas sa RT-PCR swat test na positibo sa nakakahawang sakit ang 47-anyos na lalaki na isang Allowed Person Outside Residence (APOR).

Mula sa Bayombong, Nueva Vizcaya dumating ang pasyente sa Basco noong March 12 lulan ng SkyPasada.

Sa ngayon, inoobserbahan ang pasyente na naka-isolate sa Batanes Resort.

Sinabi ng Provincial Government ng Batanes na asymptomatic ang pasyente.

Negatibo naman sa RT-PCR swab test ang dalawang kasamahan ng pasyente na nakasakay sa biyahe.

Tiniyak ng Provincial Government ng Batanes na walang exposure sa komunidad ang COVID-19 positive patient dahil sa ipinatutupad na istriktong quarantine period.

Ito na ang ika-apat na naitalang kaso ng COVID-19 sa Batanes.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.