Panukalang iturok na ang Sinovac vaccine sa senior citizens, suportado ng Palasyo
Suportado ng Palasyo ng Malakanyang ang panukala ni vaccine czar Carlito Galvez na iturok na ang bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac sa mga Filipino na nag-eedad ng 60-anyos pataas.
Pahayag ito ng Palasyo kahit labag sa rekomendasyon ng Food and Drug Administration.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maraming bansa ang gumagamit ng Sinovac sa mga senior citizen.
Kailangan lang aniya ng FDA ng dagdag na data para baguhin ang naunang rekomendasyon na tanging sa mga nag-eedad lamang ng 18 hanggang 59-anyos ang Sinovac vaccine.
Aabot sa 600,000 doses ng Sinovac vaccine ang nai-donate ng China sa Pilipinas noong Pebrero 28.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.