COVID 19 vaccine rollout muling umarangkada sa Maynila

By Chona Yu March 18, 2021 - 01:00 PM

MANILA PIO PHOTO

Nagsimula muli ang pagpapabakuna sa medical and health frontliners sa lungsod ng Maynila.

Sinabi ni Mayor Isko Moreno target nila na mabakunahan ang 528 healthcare workers sa Ospital ng Maynila gamit ang AstraZeneca vaccines.

Samantala, Sinovac naman ang ituturok sa 885 medical workers sa Sta. Ana Hospital.

Nabatid na kahapon, araw ng Miyerkules, lamang dumating sa kanila ang mga karagdagang bakuna, 1,870 doses ng Sinovac at 1,000 doses ng AstraZeneca mula sa pambansang gobyerno.

Una nang umapila ang alkalde na samantalahin ng kanilang frontliners ang natatanggap na bakuna para magkaroon ng dagdag proteksyon laban sa COVID 19.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.