10 Manila medical frontliners na nagpabakuna, tinamaan ng COVID 19

By Jan Escosio March 18, 2021 - 10:31 AM

Hinihikayat ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga medical frontliner sa lungsod na samantalahin ang pagkakaroon ng bakuna kontra coronavirus.

Kasabay ito nang pagdating ng 1,870 doses ng Sinovac at 1,000 doses ng AstraZeneca kahapon.

Ngayon araw inaasahan na dadalhin na ang mga bagong dating na Sinovac doses sa Sta. Ana Hospital at sa Ospital ng Maynila naman ide-deliver ang AstraZeneca vaccines.

“Ako nananawagan sa mga doctors, nurses, other medical frontliners at other employees who are also involved in medical frontlines. Huwag na kayong maghintay nang maghintay. Sayang ang pagkakataon,” apila ni Moreno.

Sinabi pa nito na ipinatutupad ang, ‘first come, first served’ policy sa mga nais mabakunahan.

Ibinahagi nito na simula nang ikasa ang vaccine rollout sa lungsod, 102 medical frontliners ang tinamaan ng sakit at 92 sa kanila ang hindi pa nabakunahan, samantalang ang 10 ay naturukan na ng anti-COVID 19 vaccines.

“Yung 10 na bakunado at na-infect ng COVID 19 are doing well so far. Kahit papaano ay may panlaban sila sa virus,” dagdag pa ng alkalde.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.