WHO sinabing hindi dapat itigil ang pagturok ng AstraZeneca vaccines
Inanunsiyo ng World Health Organization na pinag-aralan pa lang ng kanilang mga eksperto ang safety data ng AstraZeneca vaccine kasunod ng mga ulat na nagdudulot ito ng pamumuo ng dugo.
“The WHO Global Advisory Committee on Vaccine Safety is carefully assessing the latest available safety data,” ayon sa inilabas na pahayag ng UN health agency.
Hindi inirerekomenda ng WHO na itigil na ang pagtuturok ng bakuna kontra COVID 19 na ginawa ng University of Oxford.
“At this time, WHO considers that the benefits of the AstraZeneca vaccine outweigh its risks and recommends that vaccinations continue,” ayon pa sa WHO.
Sunod-sunod ang pagsuspindi ng ilang bansa sa pagtuturok ng AstraZeneca vaccines sa kanilang mamamayan dahil sa mga ulat na nagdudulot ito ng ‘blood clots.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.