Kim Wong at Weikang Xu, ipinatawag sa imbestigasyon ng DOJ

By Len Montaño April 08, 2016 - 03:56 PM

Kim-Wong-2-620x401Ipinatawag ng Department of Justice (DOJ) ang casino junket operator na si Kim Wong at ang negosyanteng si Weikang Xu sa preliminary investigation ng $81 million money laundering scheme.

Inatasan ni Assistant State Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra sina Wong at Xu na magsumite ng kanilang counter-affidavits at ibang supporting documents o mga testimonya ng kanilang mga testigo.

Nakasaad sa DOJ summon na dapat panumpaan ng dalawa ang kanilang affidavits sa April 19 alas 10:00 ng umaga sa National Prosecution Service Multi-Purpose Building sa DOJ.

Nagbabala si Pacamarra na ang kabiguan nina Wong at Xu na sundin ang subpoena ay ikukunsiderang waiver ng kanilang karapatan na iprisinta ang kanilang depensa at ang kaso ay magiging submitted for resolution batay sa evidence on record.

Nahaharap ang respondents sa money laundering complaint na isinampa ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) dahil sa umano’y paglabag ng section 4-A at B ng Anti-Money Laundering Act.

Ayon sa AMLC, inilipat ng cash remittance company na Philrem Services Corp. ang isang bilyong piso sa Eastern Hawaii’s Philippine National Bank kung saan umano nag-withdraw si Wong ng mahigit P900 million mula February 10 hanggang 26, 2016.

Ang Philrem ang umano’y naghandle ng money transfer na $81 million mula sa mga pekeng accounts na binuksan sa Jupiter Makati Branch ng RCBC.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.