Surveillance testing napakahalaga sa mga manggagawa – Sen. Villanueva

By Jan Escosio March 17, 2021 - 12:13 PM

Joel Villanueva Facebook

Ipinunto ni Senator Joel Villanueva na napakahalaga na maipagpatuloy ang random o surveillance testing sa mga opisina para mabigyan proteksyon ang mga milyong-milyong manggagawa.

Aniya sa ganitong paraan nabibigyan din ng proteksyon ang pamilya ng mga manggagawa.

“The most important occupational safety and health program that we must impose, next to vaccination, is workplace testing. Istrikto tayo sa helmet at protective gear ng mga rider ng motor, ngunit pag dating sa testing sa mga lugar-paggawa, hindi lang lax, kapos pa?” sabi ng namumuno sa Labor Committee sa Senado.

Dagdag pa niya, sa panghalahatan maiiwasan ang lockdown kung maayos na naikakasa ang disease surveillance.

Ayon pa kay Villanueva, nakakadismaya  ang pabago-bagong polisiya sa pagtugon ng gobyerno sa pandemya dahil sa halip na makatulong ay nakakasama pa ito lalo na sa mga pagsusumikap na mapasigla ang ekonomiya ng bansa.

TAGS: covbid-19, covid test, Sen. Joel Villanueva, covbid-19, covid test, Sen. Joel Villanueva

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.