204 katao, 100 sako ng bigas, 100 bag ng semento, lulan ng MB Nirvana
Sinimulan na ng House Committee on Transportation ang special hearing nito kaugnay sa naganap na paglubog ng MB Kim Nirvana sa Ormoc, Leyte noong July 2.
Gaya nang naunang sinabi ni Committee Chairman Cesar Sarmiento, ang imbestigasyon ay “moto propio”, at layong alamin kung may magagawa ba ang kongreso upang maiwasan na ang aberya o trahedya sa karagatan at pagkamatay ng mga pasahero.
Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan ng Philippine Coast Guard (PCG), Maritime Industry Authority o MARINA, Philippine Ports Authority (PPA) at iba pang imbitadong ahensya.
Gayunman, hindi nakasipot sa pagdinig ang may-ari ng MB Nirvana dahil nasa kustodiya na ito ng mga otoridad.
Sa isinagawang pagdinig, kinumpirma ng MARINA na nasa 204 ang pasahero ng MB Kim Nirvana. Bukod dito ay may sakay din itong isang daang sako ng bigas, at isang daang bags ng semento.
Batay sa latest record, nasa 62 na ang nasawi sa trahedya.
Pero iginiit pa rin MARINA na hindi “overloaded” ang MB Nirvana, dahil kung tutuusin daw ay may kapasidad ito na magsakay ng hanggang 100 tons, mga pasahero man o cargos.
Ang nasabing pagdinig ay “special hearing” ng komite dahil naka-break sa ngayon ang kamara./ Isa Avendaño-Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.