Pagsasara ng BI main office sa Maynila, pinalawig hanggang March 17
Pinalawig ng Bureau of Immigration (BI) ang pansamantalang pagsasara ng kanilang tanggapan sa Intramuros, Maynila.
Batay sa abiso, sinabi ng ahensya na suspendido pa rin ang serbisyo sa BI main office hanggang Miyerkules, March 17.
Layon nitong bigyang daan ang masusing disinfection at sanitation sa buong gusali ng ahensya.
Inabisuhan naman ang mga kliyente na may kumpirmadong appointment na mag-rebook oras na bumalik sa normal ang operasyon.
Magbabalik ang regular operations ng BI sa kanilang tanggapan sa Intramuros sa Huwebes, March 18.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.