Mga overseas Filipinos na tinamaan ng COVID-19, halos 15,900 na
May 11 bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 16, nasa 15,892 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 88 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 5,284.ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Dalawa naman ang bagong gumaling kung kaya 9,565 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala namang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,043 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,881 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,152 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 890 naman ang kaso sa Americas at 2,969 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.