Halos P5 billion kada taon kikitain ng bansa sa excise tax sa single-use plastic
Tinatayang kikita ang bansa ng P4.867 billion kada taon oras na maging batas ang panukala na nagpapataw ng excise tax sa single-use plastic.
Ayon kay Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda, dagdag na P2.509 billion na kita mula sa plastic sando at shopping bags at P2.358 billion mula sa plastic labo bags o mga plastic bags na karaniwang ginagamit sa mga palengke o wet markets.
Ito ay matapos makalusot sa komite ang panukalang batas na magpapataw ng P20 excise tax sa kada kilo ng single-use plastic bags.
Ang kita na malilikom mula sa paggamit ng single-use plastic ay ilalaan sa mga programa ng National Solid Waste Management.
Sinabi naman ni Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing, pangunahing may-akda ng panukala, sa kabila ng mga batas tulad ng Ecological Solid Waste Management Act o Republic Act 9003, nananatili pa rin ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming plastic bag waste na napupunta at naitatapon sa karagatan.
Ang pagpapatibay sa panukala ay batay na rin sa universal consensus kaugnay sa masamang epekto ng single-use plastic sa kalusugan at kapaligiran.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.