Main building ng Bureau of Immigration, sarado hanggang March 16

By Angellic Jordan March 15, 2021 - 10:24 PM

Sarado ang tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Manila sa March 15 hanggang 16, 2021.

Sa inilabas na abiso, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ito ay upang bigyang-daan ang gagawing dinsinfection sa buong gusali.

Dahil dito, suspendido muna ang mga transkasyon sa main office ng ahensya hanggang Martes.

Ipinag-utos sa mga opisyal at empleyado ng BI na manatili muna sa kani-kanilang tahanan.

Mayroon namang skeletal force ng mga empleyado na papasok pa rin sa trabaho upang bantayan ang mga opisina ng ahensya.

Kasunod nito, inabisuhan ni Morente ang publiko na makipag-ugnayan muna sa iba pang opisina ng BI sa Metro Manila, tulad sa BI SM North Satellite Office, BI SM Aura Satellite Office, at iba pa.

Para sa mga may kumpirmadong schedule sa pamamagitan ng online appointment system ng BI para sa nasabing pesta, ire-reschedule ang kanilang appointment sa Miyerkules.

Maaaring bisitahin ang website ng BI sa www.immigration.gov.ph at social media accounts para sa listahan ng BI offices, at mga abiso.

TAGS: BI operations, COVID-19 response, disinfection, Inquirer News, Jaime Morente, Radyo Inquirer news, BI operations, COVID-19 response, disinfection, Inquirer News, Jaime Morente, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.