12 arestado sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Maynila, QC at Muntinlupa

By Dona Dominguez-Cargullo April 08, 2016 - 09:00 AM

FILE PHOTO/Erwin Aguilon
FILE PHOTO/Erwin Aguilon

Aabot sa labingdalawa ang nadakip sa magkakahiwalay na anti-illegal drugs operation na isinagawa sa Maynila, Quezon City at Muntinlupa.

Sa Binondo Maynila, pito ang nadakip sa sinalakay na drug den sa ilalim ng Delpan Bridge kaninang madaling araw, Biyernes, April 8.

Nasabat sa bahay ng suspek na si Dennis Monggay alyas Dennis Panoy ang 7 plastic sachets ng shabu, mga drug paraphernalia at 38 caliber pistol na may mga bala.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Station chief Supt. Romeo Macapaz, isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng search warrant sa #565 Mulle dela Industriya Street na pag-aari ni Monggay.

Pito ang naaresto matapos maaktuhang nagpo-pot session habang si Monggay ay nagawang makatakas.

Si Monggay at ang pitong nadakip ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Samantala, sa Quezon City naman, arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng high grade shabu na nagkakahalaga ng isang milyong piso sa drug buy bust operation sa Makatahimik Street sa Diliman.

Aabot sa 200 gramo ng high grade shabu ang nakumpiska sa mga suspek na kinilalang sina Nash Bagundang, 41 anyos at Mohamed Abdulbayan, 25 anyos.

Kapwa big time shabu supplier umano ang dalawa.

Nahuli ang dalawa sa drug buy-bust operation na isinagawa ng Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG).

Sa Muntinlupa City naman kagaby ay tatlo ang inaresto at aabot sa 25 milyong pisong halaga ng shabu ang nasabat sa buy bust operation sa Civic Drive sa Alabang.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Akmad Hassan Bagal, Halil Sulaiman Said at Kamar Bayantol Marham.

 

TAGS: anti-illegal drugs operations, anti-illegal drugs operations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.