Istasyon ng pulisya sa Maynila ini-lockdown, 46 pulis positibo sa COVID-19

By Jan Escosio March 15, 2021 - 09:31 PM

Naka-lockdown ang buong Station 11 ng Manila Police District sa Binondo matapos malaman na 46 pulis ang nagpositibo sa COVID-19.

Iniulat kay Manila Mayor Isko Moreno ni MPD director Police Brig. Gen. Leo Francisco na ilalagay sa special quarantine ang Station 11 at susprndido ang lahat ng aktibidad sa naturang istasyon.

Ang pagkakasakit ng 46 pulis ay nadiskubre nang lumabas ang resulta ng swab test ng 121 pulis ng istasyon.

Nabatid na may mga pulis na hinihintay pa ang resulta ng kanilang swab test at sila ay naka-quarantine na sa police community precints (PCPs).

Samantala, ang mga negatibo naman sa sakit ay magpapatuloy sa kanilang pag-duty, samantalang may ibang pulis na itatalaga kapalit ng mga maysakit nilang kabaro.

TAGS: COVID-19 response, Inquirer News, Manila Police District, Manila Police Station 11, Mayor Isko Moreno, MPD, police station lockdown, Radyo Inquirer news, COVID-19 response, Inquirer News, Manila Police District, Manila Police Station 11, Mayor Isko Moreno, MPD, police station lockdown, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.