Negros Oriental Rep. Limkaichong, nagpositibo sa COVID-19
By Erwin Aguilon March 15, 2021 - 09:17 PM
Inanunsiyo ni Negros Oriental Representative Jocelyn Sy Limkaichong na positibo siya sa COVID-19.
Sa kaniyang Facebook post, sinabi ng mambabatas na natamaan pa rin siya ng COVID-19 sa kabila ng pag-iingat at pagsunod sa health protocols.
Gayunman, sinabi ni Limkaichong na siya ay asymptomatic.
Sa ngayon ay sumasailalim siya sa quarantine sa Maynila.
Ayon sa mambabatas, nasabihan na rin niya ang kanyang mga close contact hinggil sa kanyang kundisyon at hinimok ang mga ito na magpasuri para sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.