Siyam pang overseas Filipinos, naka-recover sa COVID-19
May limang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 15, nasa 15,881 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 88 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 5,275 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Lima naman ang bagong gumaling kung kaya 9,563 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Dalawa naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,043 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,881 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,144 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 890 naman ang kaso sa Americas at 2,966 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.