Dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo, epektibo na bukas (March 16)
Abiso sa mga motorista.
Magpapatupad muli ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.
Batay sa anunsiyo ng Shell, Petro Gazz, Cleanfuel, Seaoil at Caltex, tataas ng P1.25 ang presyo sa bawat litro ng gasoline habang P0.90 naman ang dagdag sa diesel.
P0.85 naman ang dagdag sa kerosene ng Shell, Caltex, at Seaoil.
Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Shell, Petro Gazz at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga (March 16).
Dakong 12:01, Martes ng hatinggabi, naman magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Caltex.
Sa Cleanfuel naman, ipatutupad ang oil price hike bandang 4:01 ng hapon.
Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba’t ibang oil companies ng kanilang oil price adjustment.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.