Pamahalaan, hinimok na magbigay ng dagdag na ayuda
Nanawagan si House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda sa Gabinete na maging bukas sa pagbibigay ng dagdag na tulong sa mga tao sa harap ng walang katiyakang sitwasyon kasunod ng muling pagtaas ng COVID-19 cases.
Ayon kay Salceda, batid niyang kailangang maging maingat sa economic relief kaya naman ang apela nito sa economic managers, bigyan sila ng numero o halagang kakayaning pondohan ng gobyerno para magawan ng paraan imbes na basta lang tanggihan ang proposal.
Ipinunto ng kongresista na dahil sa muling pagsirit ng COVID-19 cases ay tiyak na babagal ang consumer at business confidence, magbukas man o hindi ang ekonomiya.
Mahalaga rin aniya ang medical assistance dahil kakailanganing pumunta ng mga tao sa mas mahal na private hospitals kapag hindi na maserbisyuhan sa mga pampublikong ospital.
Kaugnay nito’y pinababantayan ni Salceda sa Department of Health ang medical billing.
Mainam aniyang maglabas ng regulasyon ang DOH laban sa pang-aabuso ng mga pribadong ospital.
Pinabibilisan rin ng mambabatas sa gobyerno ang pagbabakuna kontra COVID-19 dahil hindi aniya matatapos ang problema hangga’t hindi nakakamit ang herd immunity.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.