Rep. Mike Defensor may apila kay Pangulong Duterte para sa gov’t nurses

By Erwin Aguilon March 15, 2021 - 10:23 AM

Nais ni Anakalusugan Partylist Representative Michael Defensor na makialam na si Pangulong Duterte sa ginawang demotion ng Department of Budget and Management (DBM) sa libo-libong government nurses kabilang ang mga nasa local government units (LGUs).

Naniniwala si Defensor, ang intervention ng pangulo ang pinakamabilis na paraan ng pagtatama sa aniya’y hindi makatarungang ginawa sa government nurses.

Bagama’t pwede anyang idaan sa lehislatura o sa korte ang bagay na ito, nag-aalala ang kongresista na baka matagalan bago mabaligtad ang demotion sa mga nurse.

Pinuna rin nito na nangyari ang demotion sa kritikal pang panahon na may pandemya kung saan ang mga nurse ang nasa harap ng laban kontra Covid-19.

Tinukoy ng mambabatas ang DBM Budget Circular na naglalayong ipatupad ang batas para sa nararapat na sahod ng mga nurse batay sa kautusan ng Korte Suprema.

Itinatakda ng Philippine Nursing Act na salary grade 15 o P33,000 dapat ang entry level pay ng mga pampublikong nurse.

Pero hanggang sa ngayon ay hindi pa ito naipatutupad dahil sa nakasaad na reclassification sa DBM circular na nagsasabing hindi gagalawin ang suweldo ng ibang nurse pero tatamaan ang kanilang posisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.