79 na volcanic earthquakes, 46 na volcanic tremors naitala sa Bulkang Taal; Alert Level 2 nananatili

By Erwin Aguilon March 14, 2021 - 11:27 AM

screengrab from Phivolcs

Nakataas pa rin ang Alert level 2 sa Bulkang Taal.

Ayon sa Phivolcs, sa nakalipas na 24 oras nakapagtala ng 74 volcanic earthquakes, kabilang ang 46 na volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang apat na minute sa bulkan.

Mayroon ding mahinang pagsingaw na may taas na sampung  metro, mula sa mga fumaroles o gas vents ang naganap sa Main Crater.

Nakapagtala naman ng Phivolcs ng 596 na toneladang pagbuga ng sulfur dioxide kada araw.

Nasa 71.8 degrees Celsius na init sa main crater ng Bulkang Taal.

Nagpapatuloy pa rin naman ang pamamaga ng bulkan na nagsimula sa pagsabog nito noong Enero ng nakalipas na taon.

Dahil dito, sinabi ng ahensya na nagpapakita lamang ang kanilang mga obserbasyon na patuloy ang paggalaw ng magma sa ilalim ng bulkan.

Pinaaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na sa ilalim ng  Alert Level 2, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa volcano island na idineklara ng Permanent Danger Zone.

 

 

TAGS: Batangas, Bulkang Taal, Philippine Institute of Volcanology and Seismology, Batangas, Bulkang Taal, Philippine Institute of Volcanology and Seismology

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.