109 ektaryang lupa ipamamahagi sa mga magsasaka sa Misamis Oriental
Aabot sa 109 ektaryang lupa ang ipamamahagi ng Department of Agrarian Reform sa 173 na magsasaka Mt. Balutakan, Misamis Oriental.
Ayon kay DAR Secretary John Castriciones, aayudahan din ng kanilang hanay ang mga magsasaka ng iba’t-ibang uri ng serbisyo na nagkakalahaga ng P30.1 milyon.
“Nangangako ako na makikipagtulungan kami sa lokal na pamahalaan at lahat ng iba pang mga ahensya upang protektahan ang lugar na ito. Hindi namin papayagan na magtayo ng anumang mga iligal na istruktura na makakasira sa kagandahan ng lugar na ito. Bukod sa pagbibigay ng mga lupain, magbibigay din kami ng mga suportang serbisyo upang maitaas namin ang kanilang pamumuhay,” pahayag ni Castriciones.
“Magbibigay din kami ng mga suportang serbisyo tulad ng mga processing facilities, kagamitang pangbukid at iba’t ibang mga pagsasanay tungkol sa modernong pagsasaka at pagnenegosyo,” dagdag ng kalihim.
Ang plano ay isang pakikipagtulungan at pagsasaayos ng mga mapagkukunan ng mga tulong at serbisyo mula sa DAR, Department of Agriculture, Department of Interior and Local Government at Department of Environment and Natural Resources.
Ang Mt. Balatukan cluster ay binubuo ng mga munisipalidad ng Balingasag, Balingoan, Binuangan, Claveria, Kinoguitan, Lagonglong, Magsaysay, Medina, Salay, Sugbongcogon, at Talisayan at Gingoog City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.