Pangulong Duterte, hindi nangangampanya para sa mamanukin sa 2022 elections

By Chona Yu March 12, 2021 - 06:17 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Hindi nangangampanya si Pangulong Rodrigo Duterte para sa mamanukin sa 2022 Presidential elections.

Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos ibuking ni Pangulong Duterte sa Negros Oriental na nais daw ni Senador Christopher “Bong” Go na maging pangulo ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, naka-focus ngayon si Pangulong Duterte sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.

Ayon kay Roque, palagi namang nagbibiro si Pangulong Duterte sa alin mang pagtitipon para magkaroon ng light moment.

Sinabi pa ni Roque na nakatutok si Pangulong Duterte sa pagbabakuna.

ito aniya ang pangunahing prayoridad ngayon ng gobyerno.

Una nang sinabi ni Go na ayaw niya munang atupagin ang pulitika ngayon.

Pero aminado si Go na maaaring mabago ang kanyang desisyon kung tatakbong bise presidente si Pangulong Duterte at magiging running mate.

Magkapartido sina Pangulong Duterte at Go sa PDP-Laban.

TAGS: 2022 elections, Inquirer News, President Duterte on 2022 elections, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Sen. Bong Go, 2022 elections, Inquirer News, President Duterte on 2022 elections, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, Sen. Bong Go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.