Sen. Bong Go, ayaw sumawsaw sa sigalot sa PDP – Laban
Dumistansiya si Senator Christopher Go sa sinasabing hindi pagkakaintindihan sa hanay ng mga opisyal at miyembro ng kanilang partido PDP – Laban.
Ayon kay Go, isyung politika kung anuman ang nangyayari sa kanilang partido at ayaw niyang makisali pa.
Diin niya, mas inuuna dapat ang pagtulong sa mga nangangailangan at hindi ang pamumulitika sa katuwiran na ito ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang sinita ni Sen. Manny Pacquiao, na siya rin acting president ng PDP – Laban, ang pagpapakalat ng resolusyon sa hanay ng kanilang mga miyembro na humihimok kay Pangulong Duterte na tumakbo sa pagka-vice president sa 2022 elections.
Walang basbas ni Pacquiao ang resolusyon na sinasabing ipinapakalat ni Energy Sec. Alfonso Cusi.
Sinita na rin ng senador si Cusi at aniya, tigilan na nito ang pagkilos na naghahati sa kanilang partido sa katuwiran din na hindi dapat namumulitika sa panahon ngayon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.