Binay, Enrile, Marcos, binatikos ang kawalan ng aksyon ni PNoy sa Kidapawan incident

By Jay Dones April 08, 2016 - 04:34 AM

 

JPE AND PNOYKinastigo nina Vice President Jejomar Binay at Senate Minority Leader Jaun Ponce Enrile ang mistulang kawalan ng aksyon ni Pangulong Benigno Aquino III na tugunan ang naging problema ng mga magsasaka sa Mindanao.

Ayon kay Enrile, dapat naging maagap ang pangulo sa pagtungo sa Kidapawan upang mamahagi ng mga bigas sa mga nagra-rally na magsasaka.

Sa pamamagitan aniya nito, natukoy sana agad kung lehitimong protesta ng gutom ang hinaing ng mga magsasaka o may grupong nais lamang samantalahin an sitwasyon upang manggulo.

Dahil aniya sa kawalan ng aksyon ng pangulo lalo lamang nalugmok ang kandidatura ng kanyang kandidato na si Mar Roxas.

Samantala, sinabi naman ni Vice President Jejomar Binay na dapat ay tinugunan ng malasakit sa halip na karahasan ang sitwasyon ng mga magsasaka sa North Cotabato.

Pinagpapaliwanag naman ni Sen. Ferdinand Bongbong Marcos Jr., si Agriculture Sec. Proceso Alcala kung saan napunta ang 2 bilyong pisong pondo inilaan para sa pagkontra sa epekto ng El Niño sa mga lalawigan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.