25-year franchise renewal application ng Dito Telecom lusot sa Senate committee
Lumusot na ang 25-year franchise application ng Dito Telecommunity at kinilala ito bilang third major telco sa bansa sa pamamagitan ng Senate Committee on Public Services na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe.
Katuwiran ni Poe ang pagbibigay ng panibagong prangkisa sa Dito ay base sa pangangailangan ng serbisyong pang-komunikasyon ng sambayanan.
“Allow me to reiterate that the grant of a franchise is not a right, but a privilege. New franchise applicants must establish that there is a public need for the service they propose to deliver and the means to adequately provide it,” banggit ni Poe sa pagdinig.
Aniya lubos na kinakailangan ang malakas na internet connection sa online education na bahagi ng ikinakasang blended learning system ngayon may pandemya sa bansa.
Naniniwala si Poe na magagawa ng Dito na makapagbigay ng dekalidad na serbisyo sa loob ng isang taon.
Ibinahagi ni National Telecommunications Commissioner Edgardo Cabarios base sa independent audit report naabot ng Dito ang initial population coverage na 37.48 percent at minimum average internet speeds na 85.9 megabits per second (Mbps) para sa 4G at 507.5 Mbps para sa 5G.
“When we talk about the deliverables it seems that… Dito Telecommunity has actually delivered…so when I defend this franchise before the body, I can say that this was also actually audited by an independent advocacy group, hindi lamang NTC,” wika ni Poe.
Ipinangako ni Rodolfo Santiago, chief technology officer ng Dito, na maaabot nila ang 51 percent population coverage sa darating na Hulyo.
Noong Lunes nagsimula ang commercial operation ng Dito sa Visayas at Mindanao at mangyayari ito sa Metro Manila sa kalagitnaan ng taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.