Nagtalaga ng karagdagang 100 pulis sa Lungsod ng Navotas.
Tutulong ang mga bagong talagang pulis sa Navotas City Police sa pagpapatupad ng mga ordinansa sa lungsod kasunod ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19.
Tututukan ang pagpapatupad ng health protocols tulad ng tamang pagsusuot ng face mask, curfew, social distancing, at iba pa.
Nagmula ang mga bagong talagang pulis sa Regional Mobile Force Battalion ng National Capital Region Police Office o NCRPO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.