7,266 PLM students sa Maynila, tatanggap ng tig-P3,000 allowance
Pirmado na ni Mayor Isko Moreno ang payroll para sa Social Amelioration Program (SAP) ng mga college student ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM).
Ayon sa Manila Public Information Office, pinirmahan ito ng alkalde sa araw ng Miyerkules (March 10).
Sa first quarter allowance, tatanggap ang 7,266 estudyante ng naturang pamantasan ng tig-P3,000 para sa buwan ng Enero hanggang Marso.
Alinsunod ito sa Ordinance No. 8568 na layong mabigyan ng P1,000 monetary allowance ang mga kwalipikadong mag-aaral ng PLM kada buwan.
Aabot sa P21,798,000 ang inilaang pondo ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa first quarter ng 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.