Housing crisis sa bansa, idineklara ng komite sa Kamara
Nagdeklara na ng Housing Crisis sa bansa ang House Committee on Housing and Urban Development.
Sa pagdinig ng komite, inaprubahan nito ang isang substitute resolution na nagdedeklara ng housing crisis matapos lumobo sa 6.7 milyong bahay ang kailangan hanggang sa taong 2022.
Ayon kay Negros Occidental Rep. Francisco Benitez, pinuno ng komite at isa sa may akda ng resolusyon na ipinasa nila ito upang hikayatin ang housing agencies na mag-streamline at padaliin ang housing production.
Bukod dito, dapat din aniyang bilisan ang pamamahagi ng mga pabahay sa mga dapat na benepisyaryo.
Kabilang aniya sa malaking challenge na kinakaharap ng sektor ng pabahay ang
inefficiencies at red tape sa pamahalaan.
Sabi nito, bago makapagpatayo ng socialized housing project ay mangangailangang dumaan sa 27 tanggapan, 78 permits, 146 signatures, at 373 documents kaya tumatagal ng dalawa hanggang apat na taon ang pagsisimula ng isanv proyekto.
Nakasaad pa sa resolusyon na napakaliit ng pondo ang inilalaan ng gobyerno sa pababay kung saan simula 2010 hanggang 2021 ay nasa 0.74 percent lamang ito ng national budget.
Sinabi naman ni San Jose Del Monte City Rep. Florida Robes, vice chairperson ng komite na siyang may-akda sa resolusyon na ang paglago ng populasyon, urban-rural migration at mataas na presyo ng urban land ang dahilan ng pagdami ng informal settlers.
Ito, ayon kay Robes, ay sa kabila ng marami ng batas para sa housing production ang nalikha.
Sa Lungsod ng San Jose del Monte pa lamang, 40 relocation projects ang ginawa ng pamahalaan sa pamamagitan ng National Housing Authority.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.