Nasa 14 lugar sa Quezon City ang nakasailalim sa Special Concern Lockdown Areas (SCLA).
Ito ay dahil pa rin sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19.
Nilinaw naman ng QC government na ang may mga partikular na lugar lamang at hindi buong barangay ang kabilang sa SCLA.
Kasama rito ang mga sumusunod:
– Bahagi ng Durian Street, Barangay Pasong Tamo (simula February 25)
– L. Pascual Street, Barangay Baesa (simula February 26)
– De Los Santos Compound, Heavenly Drive, Barangay San Agustin (simula March 1)
– 49 at 51 E Rodriguez Sr. Avenue, Barangay Doña Josefa (simula March 4)
– Paul Street and Thaddeus Street, Jordan Park Homes Subdivision, Doña Carmen, Barangay Commonwealth (simula March 4)
– No. 237 Apo Street, Barangay Maharlika (simula March 4)
– No. 64 14th Avenue, Barangay Socorro (simula March 6)
– No. 64-B Agno Extension, Barangay Tatalon (simula March 7)
– No. 46 and No. 50 K-9th Street, Barangay West Kamias (simula March 8)
– No. 90 Gonzales Compound, Barangay Balon Bato (simula March 8)
– No. 2A – 4 K-6th, Barangay West Kamias (simula March 8)
– Portion of Sitio 5, Jose Abad Santos, Barangay Sta. Lucia (simula March 9)
– No. 138 -178 Orchids Street and No. 153-159 Jasmin Street, Barangay Central (simula March 10)
– No. 43 Salvador St., Barangay Krus Na Ligas (simula March 10)
Sinabi ng lokal na pamahalaan na mamamahagi ng food packs at essential kits para sa mga apektadong pamilya.
Sasailalim din ang mga apektadong pamilya sa swab testing at mandatory 14-day quarantine.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.