Paglobo ng teenage pregnancy, ikinaalarma ng isang lider ng Kamara

By Erwin Aguilon March 10, 2021 - 02:21 PM

Nagpahayag ng pagkaalarma si House Committee on Women and Gender Equality chairman Malou Acosta-Alba sa pagtaas ng kaso ng teenage pregnancy sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Acosta, kailangang palakasin ang community-based education at isama rin sa curriculum ng mga estudyante ang usapin patungkol sa sex.

Kailangan din aniyang magkaroon ng pagbabago sa mindset ng mga magulang upang maging sila ay mapaalalahanan din ang kabataan upang maiwasan ang “risky behaviors” ng mga ito.

Sa ngayon kasi ay taboo pa rin kung maituturing ang pag-uusap sa pagitan ng mga magulang at anak hinggil sa sex, ayon kay Alba.

Subalit kailangan ang tulong ng lahat upang sa gayon ay maipaintindi sa mga kabataan ang patungkol sa healthy at responsible sexuality.

Base sa datos ng Commission on Population and Development, natukoy na noong 2020 pumalo sa 70,755 ang menor de edad na nagkapamilya.

Inaasahan nilang tataas pa ang bilang na ito sa 133,265 sa katapusan naman ng taong 2021.

TAGS: Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Malou Acosta-Alba, teenage pregnancy, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Malou Acosta-Alba, teenage pregnancy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.