51 volcanic earthquake naitala sa Bulkang Taal; Alert Level 2 nananatili
Nakataas pa rin sa Alert Level 2 ang Bulkang Taal.
Sa advisory ng Phivolcs, nakapagtala ng 51 volcanic earthquakes, kabilang ang 41 na volcanic tremor sa paligid ng bulkan na tumagal nang isa hanggang apat na minute sa nakalipas na 24 na oras.
Mayroon ding namonitor na mahinang pagsingaw na may taas na limang metro mula sa mga fumaroles o gas vents sa main crater ng Bulkang Taal.
Sabi ng Phivolcs patuloy din ang pamamaga ng bulkan simula ng huling pagsabog nito noong Enero ng nakalipas na taon.
Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na sa ilalim ng Alert Level 2, maaring magkaroon ng biglaang pagputok ang bulkan at makaapekto sa paligid ng Taal Volcano Island.
Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagpasok sa volcano island na idineklara ng Permanent Danger Zone.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.