P108M halaga ng shabu na nasa lalagyan ng tsaa natimbog sa Makati City

By Jan Escosio March 09, 2021 - 08:24 PM

SPD PIO PHOTO

Hindi mga made in China na tsaa kundi droga ang ipinagbili ng dalawang lalaki sa isang pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Makati City, Lunes ng gabi.

Sa ulat kay Southern Police District director Brig. Gen. Eliseo Cruz aabot sa 16 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P108 million ang nakuha kina Kemin Manisi, alias Taba, at Abdulrahim Ysmael, kapwa residente ng Barangay Maharlika sa Cagayan de Oro City.

Ikinasa ang operasyon ng mga tauhan ng Makati City Police – Station Drug Enforcement Unit pasado alas-9 sa bahagi ng Kalayaan Avenue sa Barangay West Rembo.

Bumili ang pulis na umaktong poseur-buyer ng P1 milyon halaga ng shabu at iniabot sa kanya ang droga na nakalagay sa plastic pack na may markang Daguanyin Refined Chinese tea.

Kasunod nito ay inaresto ang dalawa suspek at sa loob ng dala nilang travelling bag ay nadiskubre pa ang iba pang naka-pack na droga na animo’y tsaa.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.