Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol sa bahagi ng Davao Occidental, Martes ng hapon.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 120 kilometers Southeast ng Jose Abad Santos.
Naramdaman ang pagyanig bandang 1:37 ng hapon.
May lalim ang lindol na 28 kilometers at tectonic ang origin.
Gayunman, walang naitalang pinsala sa Jose Abad Santos at mga karatig-bayan.
Wala ring inaasahamg aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.