700,000 na pamilyang Manilenyo, muling tatanggap ng ayuda sa ilalim ng Food Security Program
Inihahanda na ng LGU Manila ang ayuda para sa 700,000 pamilya para sa buwan ng Marso.
Ito ay maaaring matanggap ng mga Manilenyo simula ngayong linggo.
Ayon kay Mayor Isko Moreno, ang Food Security Program ay inilunsad upang mabigyan ng ayuda sa pamamagitan ng food boxes ang bawat pamilyang Manilenyo habang hindi pa nababakunahan ang 70 porsyento ng mga taga-Maynila.
Buwan-buwan itong ipinamimigay ng LGU Manila sa may 700,000 na pamilya sa siyudad.
Ang Food Security Program ng Lungsod ng Maynila ay isa lamang sa mga programa ng lokal na pamahalaan na layong maibsan ang gutom ng bawat pamilyang Manilenyo sa gitna ng pandemya.
Una nang nakatanggap ng ayuda ang mga taga-Maynila noong buwan ng Pebrero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.