1 million doses ng COVID-19 vaccine darating sa March 21 – Sec. Galvez

By Erwin Aguilon March 07, 2021 - 02:55 PM

PCOO photo

Nakatakdang dumating sa March 21 ng kasalukuyang taon ang isang milyong doses ng COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr.,  kasama rin anya sa inaasahang darating ngayong buwan ang karagdagang 400,000 doses na donasyon ng bansa China.

“Meron po tayong naprocure na 1 million na darating po sa March 21 and then with the generosity of the Chinese government, another 400,000 will be given to us, so 1.4 million ang darating this March,” saad ni Galvez.

Hawak na rin anya ng kumpanyang AstraZenica ang purchase order ng bansa sa bakuna.

“Naprocess na po namin, naibigay na po namin ang purchase order. And then nangako rin po ang ating World Health Organization (WHO) na meron pa pong parating na AstraZeneca na 4.5 million until May. So kung ko-computin po natin, every month meron po tayong darating na 1.5 million,” dagdag ng opisyal.

TAGS: Astra Zenica, covid 19 vaccine, COVID-19, Sec. Carlito Galvez Jr., Sinovac, Astra Zenica, covid 19 vaccine, COVID-19, Sec. Carlito Galvez Jr., Sinovac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.