133 tuning units sa mainline ng MRT-3, napalitan na

By Angellic Jordan March 05, 2021 - 02:20 PM

Napalitan na ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 ang 133 tuning units sa main line.

Ito ay parte ng malawakang rehabilitasyon sa linya ng tren.

Ayon sa MRT-3, makatutulong ang tuning units upang ma-detect kung mayroong tren o wala sa isang track.

Mahalaga anila ito para sa maayos na signalling system para masigurong ligtas patakbuhin ang isang tren sa railway track.

Sa bilang na 133, 31 tuning units ang napalitan sa North Avenue station, 8 units sa Quezon Avenue station, 10 sa GMA-Kamuning station, 13 sa Cubao station, 12 sa Ortigas station, 28 sa Shaw Boulevard station, 8 sa Boni Avenue station, 11 sa Guadalupe station, at 12 units sa Buendia station.

Katuwang ng pamunuan ng MRT-3 sa malawakang rehabilitasyon ang Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries mula sa Japan.

TAGS: Inquirer News, MRT-3 operations, MRT-3 rehabilitation, MRT-3 tuning units, Radyo Inquirer news, Inquirer News, MRT-3 operations, MRT-3 rehabilitation, MRT-3 tuning units, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.