Higit 1,000 na medical frontliners, nabakunahan na sa Lungsod ng Maynila

By Chona Yu March 04, 2021 - 08:04 PM

Manila PIO photo

Sa pakikipag-usap ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa 21 alkalde mula sa Quezon province, ipinagmalaki niya ang lumalaking pagtitiwala ng publiko sa vaccination program ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Ito’y sapagkat noong nagsimula ang pagbabakuna sa lungsod noong March 2, umabot na sa 1,034 healthcare workers ang nabakunahan gamit ang Sinovac vaccine.

Umabot sa 153 na mga inidibidwal ang nabakunahan noong March 2, pumalo naman sa 346 healthcare workers ang nabigyan ng bakuna noong March 3 at 535 naman pagsapit ng March 4.

Si Mayor Isko ay dinalaw ng 21 alkalde mula sa Quezon province na karamihan ay dati niyang kasamahan noong siya ay national president ng Vice Mayors League of the Philippines at Secretary General ng Philippine Councilors League.

Si Mayor Isko Moreno ay nagsilbi rin nilang three-term Councilor at three-term Vice Mayor bago siya maging Alkalde ng Lungsod ng Maynila.

Manila PIO photo

TAGS: covid 19 vaccine, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, Simovac vaccine, Sinovac, covid 19 vaccine, COVID-19 vaccination, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, Simovac vaccine, Sinovac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.