PDEA dapat gawin sole lead agency sa ‘war on drugs, ayon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon

By Erwin Aguilon March 04, 2021 - 11:08 AM

PDEA PHOTO

Nais ni Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon na ipaubaya na lamang sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pangunguna sa ikinakasang  sa ‘war on drugs’ ng administrasyong-Duterte.

Ayon kay Biazon, na siyang vice chairman ng House Committee on Defense, sa ilalim Dangerous Drugs Act, ang PDEA naman talaga ang “premiere at lead agency” para sa anti-illegal drug enforcement.

Ang pag-alis aniya noon sa Philippine National Police o PNP at National Bureau of Investigation o NBI sa mga operasyon laban sa droga ay naaayon lang naman sa Dangerous Drugs Act.

Noong October 2017, may memorandum na rin aniya si Pangulong Rodrigo Duterte na ang PDEA ang “sole agency” sa mga anti-illegal drug operations.

Pero makalipas lang ang dalawang buwan ay nagpasya ang Punong Ehekutibo na ibalik ang PNP sa drug war, para makatuwang ng PDEA.

Nilinaw naman ni Biazon na kahit ang PDEA ang mangunguna at tututok sa anti-illegal drugs campaign sa bansa, maaari pa rin magpatulong sa ibang law enforcement agencies.

Dapat lamang aniya na maging malinaw ang lahat para sa “accountability” kapag may nangyaring sigalot o naging palpak ang operasyon, at para maiwasan ang kahalintulad na engkwentrong naganap sa pagitan ng PDEA at QCPD.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.