Walang bagong overseas Filipino na tinamaan ng COVID-19 – DFA
Walang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang March 3, nanatili sa 15,023 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 87 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 4,547 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Walng bagong gumaling kung kaya 9,455 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala ring bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,021 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,131 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 3,087 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 875 naman ang kaso sa Americas at 2,930 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.