Isang milyon pang dosage ng COVID-19 vaccine mula Sinovac, darating sa Marso
May isang milyong dagdag na dosage ng COVID-19 vaccine na gawa ng Sinovac ang darating pa sa bansa sa buwan ng Marso.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bibilhin na ito ng pamahalaan at hindi na donasyon.
Matatandaang dumating sa bansa noong February 28 ang 600,000 doses ng Sinovac vaccine na donasyon ng China sa Pilipinas.
“At least po ang sigurado na rin ay iyong bibilhin na natin sa Tsina na isang milyon ‘no, darating po iyan ng Marso at pagkatapos po niyan parang Marso, Abril, Mayo tag-iisang milyon din tapos aakyat po ang supply ng tig-2 million,” pahayag ni Roque.
Bukod dito, tiniyak ni Roque na sigurado na rin ang pagdating ng 500,000 doses ng bakuna na gawa naman ng AstraZeneca.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.