DBM, itinangging inipit ang pondo para sa El Niño

By Alvin Barcelona April 06, 2016 - 07:21 PM

el-nino-phenomenonPumalag ang Department of Budget and Management (DBM) sa bintang ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na inipit nila ang siyam na raang milyong pisong pondo na ayuda sana sa mga magsasakang naapektuhan ng El Niño.

Ang 900 million pesos ay bahagi ng 19 billion pesos package na inilaan para alalayan ang mga magsasakang nasira ang mga pananim dahil sa matinding tagtuyot.

Ayon sa DBM, walang iniipit na pondo ang ahensiya, dahil naipalabas na ang quick response fund (QRF) para maalalayan at hindi mamiligro ang kundisyon ng mga komunidad na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa El Niño.

Nauna ng ipinaliwanag ng DBM na nakapagpalabas na sila ng 12.79 billion pesos sa National Irrigation Administration hanggang buwan ng Marso para mapalawak ang irrigation system sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Bukod pa dito, ang 5.3 billion pesos na subsidiya ng gobyerno sa Philippine Coconut Authority at National Food Authority para sa implementasyon ng Food Security Program kung saan ang ahensiya ang direktang bibili ng palay sa mga magsasaka.

Kaugnay nito hinamon ng ahensiya na dapat maging makatotohanan ang mga kandidato sa kanilang mga bintang at huwag gumawa ng kuwento para lamang makakuha ng boto.

TAGS: El Niño, El Niño

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.