Pangulong Duterte, magpapatawag ng full Cabinet meeting sa March 3

By Chona Yu March 02, 2021 - 05:24 PM

PCOO Facebook photo

Magpapatawag si Pangulong Rodrigo Duterte ng full Cabinet meeting sa araw ng Miyerkules, Marso 3.

Pero ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa niya mabatid kung ano ang agenda ng pagpupulong.

Maliban dito, sinabi ni Roque na nakaantabay din ang Pangulo sa napipintong pagdating sa bansa ng higit 500,00 doses na suplay ng AstraZeneca.

Ayon kay Roque, bagaman wala pang eksaktong petsa kung kailan darating ang AstraZeneca, may bilin aniya ang Pangulo na sabihan lamang siya at luluwas siya rito sa Maynila kung nasa Davao man ito, para salubungin din ang mga bakuna.

Mahalaga aniya para sa Pangulo na mapasalamatan din ang AstraZeneca at Englatera at ang naging intercession ng ambassador ng United Kingdom para mapadali ang pagdating sa bansa ng suplay ng bakuna ng AstraZeneca.

Matatandaang naantala ang dating ng AstraZeneca sa araw ng Lunes (March 1), dahil sa diumano ay problema sa suplay, bagaman sinabi ng World Health Organization (WHO) na logistical concerns ang problema rito.

TAGS: AstraZeneca, AstraZeneca COVID-19 vaccine, Inquirer News, President Duterte on AstraZeneca, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, AstraZeneca, AstraZeneca COVID-19 vaccine, Inquirer News, President Duterte on AstraZeneca, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.