Labinglimang bahay, nasunog sa Pasay City

By Chona Yu April 06, 2016 - 07:12 PM

Sunog sa Pasay 1
Kuha ni Chona Yu

Tinupok ng apoy ang isang residential area sa Semawriyo Compound, Mapagkalinga Street sa Barangay 98, Zone 14 sa Pasay City.

Ayon kay Supt. Douglas Guiyab, ang City Fire Marshall ng Pasay, nagsimula ang sunog kaninang alas kuwatro ng hapon at bandang 4:19 pm nang itaas ito sa ikalimang alarma.

Gawa aniya sa light materials ang mga bahay at dahil sa malakas na hangin, mabilis kumalat ang apoy.

Sunog sa Pasay 2
Kuha ni Chona Yu

Bandang 5:42 naman ng hapon nang ideklarang fire under control ang naturang sunog.

Isang buntis na nakilalang si Sandy Constantino, 26 anyos, ang nailigtas sa sunog matapos na magtago nito sa banyo.

Agad namang isinugod sa Pasay City General Hospital ang biktima matapos makaranas ng slight suffocation.

Sunog sa Pasay 3
Kuha ni Chona Yu

Aabot sa labinglimang bahay o tatlumpung pamilya at tinatayang aabot sa 1.2 million pesos ang halaga ng napinsala ng naturang sunog.

TAGS: Sunog sa Pasay, Sunog sa Pasay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.