Pagbabakuna sa mga OFWs kontra sa COVID-19 tungkulin ng pamahalaan – Rep. Ong
Iginiit ni Ang Probinsyano Rep. Ronnie Ong na responsibilidad ng pamahalaan na bigyan ng bakuna kontra COVID-19 ang mga Filipino kabilang na ang mga Overseas Filipino Workers.
Ayon kay Ong, kahit walang mga bakuna na magmumula sa mga foreign government kailangang mabakunahan ang mga OFW kahit na ang mga ito ay hindi health workers.
Saad ni Ong “With or without the vaccines coming from other governments, our OFWs should be vaccinated. It’s our government’s job to procure these vaccines through decent and legal means, not trade workers for vaccines. Stop this unacceptable disservice to our OFWs, especially our health workers who have sacrificed so much for our country since the pandemic began.”
Pahayag ni Ong, malaki ang ginagampanang papel ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa dahil sa ang remittance na ipinapadala ng mga ito sa mga kaanak sa Pilipinas ay malaking bahagi ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.
Mula sa P33.5 billion OFW remittances noong 2019, bumagsak ito sa P27.346 billion noong nakalipas na taon kasunod ng mga quarantine protocols na ipinatupad ng pamahalaan kabilang na ang mga full community lockdown.
Pinuna rin ni Ong ang paghingi ni Labor Secretary Silvestre Bello III ng bakuna sa ibang bansa kapalit ng deployment ng mga nurse sa kanilang lugar.
“I don’t know what our labor officials are thinking but our nurses and our medical professionals are not commodities and should not be treated as such. Since the start of the pandemic they’ve been brave and tireless on the frontlines fighting this virus for us,” saad ni Ong.
Sa halip anya na humingi ng bakuna sa ibang mga gobyerno para sa mga nurse ang kailangang gawin ay tiyakin ng pamahalaan sa ibang mga bansa na mabibigyan ng kinakailangang health protection ang mga health workers na magtatrabaho sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.