‘Kabataan mahalaga ang partisipasyon sa rehabilitasyon ng komunidad’ -Tolentino

By Jimmy Tamayo April 06, 2016 - 03:29 PM

YINMahalaga ang partisipasyon ng mga kabataan sa rehabilitasyon ng kanilang komunidad sa panahon ng kalamidad.

Ang panawagan ay ginawa ni independent Senatorial Candidate Francis Tolentino sa kaniyang pagharap sa mga kabataan sa Lucena City.

Sa pagsasalita niya sa training workshop on instructional material preparation sa Manuel S. Enverga University Foundation sa lungsod, hinikayat ng dating MMDA Chairman ang mga kabataan na lumahok at makiisa para mapabilis ang pagbangon ng kanilang komunidad mula sa kalamidad.

Binanggit din ni Tolentino na siya lang ang ta¬nging senatorial candidate na nakarating at tumulong sa halos lahat ng kalamidad sa Pilipinas sa nakalipas na mga taon.
Idinagdag pa ni Tolentino na siya lang ang tanging kandidato na magbuhat ng mga bangkay para ilagay sa ipinaga¬wang graveyard sa Tacloban.

Tanging si Tolentino ang nanguna sa pagsasagawa ng kauna-unahang earthquake drill o shake drill sa kasaysayan ng Metro Manila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.